Wala nang extension ang botohan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections.
Ito ang kinumpirma ni Commission on Elections o Comelec commissioner Rowena Guanzon, sa kabila ng delay sa pagbubukas ng botohan sa ilang lugar sa bansa kaninang umaga.
Alas-siyete ng umaga nang magbukas ang mga polling precint sa buong bansa.
Gayunman, may mga naitalagang delay gaya sa apat na bayan sa ARMM, na nagbukas ng botohan pasado alas-diyes ng umaga.
Ayon sa Comelec, nagka-problema sila sa signal kaya hindi agad nakumpirma agad kung nagka-aberya sa pagsisimula ng botohan.
May ilang presinto rin sa Metro Manila ang late nang nakapag-umpisa ng botohan.
Alas-tres ng hapon nang magtapos ang botohan sa mayorya ng mga polling precint, at nakapagsimula na ng bilangan ng mga boto.