Ayon sa Flying-V, epektibo bukas ng alas-sais ng umaga (May 15), P1.10 kada litro ang dagdag-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.
P1.20 kada litro naman ang pagtaas sa halaga ng biodiesel, habang 95 centavos sa kada litro ng kerosene o gaas.
Samantala sa anusyo rin ng Pilipinas Shell, P1.20 ang dagdag-presyo sa kada litro ng kanilang diesel, P1.10 ang pagtaas sa halaga ng bawat litro ng gasolina at 95 centavos sa kada litro ng kerosene.
Magpapatupad din ng kaparehong oil price hike ang PTT Philippines, Caltex at Seaoil.
Inaasahang mag-aanunsyo na rin ang iba pang kumpanya ng ipatutupad nilang bigtime price increase anumang oras ngayong araw.
Ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.