Paalala ni Commission on Elections o Comelec officer-in-charge Al Parreño, kabilang sa mga requirement sa hanay ng SK chairman at mga miyembro ay dapat may edad na 18-anyos at hindi lalampas ng 24-anyos sa araw ng halalan, at syempre isang kwalipikadong botante.
Kapag nabisto aniya ng Comelec na hindi naabot ang mga naturang requirement ng mga nanalong kandidato sa SK, walang magaganap na proklamasyon sa mga ito.
Ibig sabihin, hindi papayagan ng Comelec na makaupo sa pwesto ang mga kandidato sa SK na mananalo sa bilangan, subalit kumpirmadong lagpas sa age limit o hindi registered voters.
Batay sa Comelec, sinabi ni Parreño na aabot sa apat na libo ang nakuha nilang reklamong kaugnay dito.
Samantala, inaasahan ng poll body na malalaman din ngayong araw kung sinu-sino ang mga nagwaging kandidato sa SK at Barangay elections.