Kumakandidatong kagawad sa Maynila, patay matapos atakihin sa puso

Patay ang isang kandidato bilang kagawad sa Quiapo, Manila.

Sa impormasyon mula kay Brgy. Chairman Hernane Francisco ng Brgy. 390, Zone 40, District 3, Quiapo Manila ay kinumpirma nito ang pagkasawi ni Felino Baligod Jr., tumatakbong kagawad sa nabanggit na Barangay.

Ayon kay Francisco, inatake sa puso si Baligod, 62 anyos sa loob ng kanilang bahay pasado alas 6:55 kaninang umaga.

Dinala pa aniya sa Ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...