Drilon at Belmonte, kukumbinsihin ang Pangulo na katigan na ang nakabinbing tax reform bills

Drilon BelmonteSasamantalahin ng liderato ng mataas at mababang kapulungan ng kongreso ang kanilang ‘break’ para makumbinsi si Pangulong Noynoy Aquino ukol sa tax reform bills, partikular ang pagbaba sa income tax rate.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., nagkasundo sila ni Senate President Franklin Drilon na personal na kausapin si Pnoy ukol sa tax reform bills.

Sinabi ni Belmonte na target nila ni Drilon na makipagpulong kay Presidente Aquino sa loob ng buwan ng Oktubre, o bago muling magbalik sesyon ang Kongreso sa November 03.

Ani Belmonte, hindi pa rin nila bibitawan ang pag-asa na maipasa ang tax reform bills, lalo na ang pagtapyas sa income tax rate na inaasam ng mga empleyado.

Nauna nang ni-reject ng Malakanyang ang mga panukala para sa adjustments ng individual at corporate income tax rates, makaraang magbabala ang Finance Department na malaki ang mawawala sa kita ng gobyerno kapag naipasa ang mga naturang proposal.

Read more...