Sen. Antonio Trillanes IV, naghain na ng COC bilang bise presidente

Via Edwin BacasmasNagsumite na rin ng certificate of candidacy sa Commission on Elections si Senator Antonio Trillanes IV para sa kaniyang vice presidential bid.

Kasama ni Trillanes ang kaniyang asawang si Arlene at mga miyembro ng Magdalo nang dumating sa Comelec.
Ayon kay Trillanes, muli niyang iniaalok sa taumbayan ang paninilbihan. Mananatili aniya sa restoration ng peace and order at paglaban sa korapsyon ang sentro ng kaniyang plataporma.

Muli din nitong inihayag na si Senator Grace Poe ang susuportahan nilang kandidato sa pagkapangulo.

Samantala, sinabi ni Trillanes na usap-usapan sa ‘political insiders’ na si Manila Mayor Joseph Estrada ay magsusubstitute kay Vice President Jejomar Binay bilang presidential candidate.

Sinabi ni Trillanes na mayroon pang hanggang Disyembre para maghain ng substitution ng mga kandidato.

Bagaman wala aniyang direktang kumpirmasyon sa kampo ni Estrada o ni Binay hinggil dito ay ilang beses na rin namang binanggit ni Erap na ikinukunsidera pa rin nyang tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Read more...