Nakaboto na sa Tabuco Elementary School sa Naga City si Vice President Leni Robredo.
Kasama ni Robredo na bumoto sa precinct number 248E ang anak niyang si Janina Patricia.
Alas 10:00 ng umaga nang dumating sa sa paaralan ang mag-ina.
Ayon kay Robredo, na[ansin niyang kakaunti ang botante at halos wala siyang pilang dinatnan.
Kung magpapatuloy aniya ang ganitong sitwasyon hanggang mamaya ay nakalulungkot isipin na tila maliit ang interest ng publiko na makilahok sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ani Robredo, dapat maipaalala sa lahat na ang Barangay at SK elections ang pinakamahalagang halalan.
Ang barangay kasi aniya ang unang pinupuntahan at sumbungan ng mga residente.
Vice President @lenirobredo arrives at Tabuco Elementary School in Naga City, where she will cast her vote for the #BgyPolls2018 | @InquirerSLB @RAOstriaINQ pic.twitter.com/MFQFNVMFwZ
— Inquirer Regions (@InqNational) May 14, 2018
Vice President @lenirobredo casts her vote with daughter Janina Patricia at Precinct 248A in Tabuco Elementary School in Naga City at around 10 a.m. #BgyPolls2018 | @InquirerSLB @RAOstriaINQ pic.twitter.com/Vy4T9tgx97
— Inquirer Regions (@InqNational) May 14, 2018