Driver arestado sa Taguig dahil sa vote buying

INQUIRER.NET | CENON BIBE JR.

Arestado ang isang driver matapos masangkot sa vote buying sa Barangay Upper Bicutan sa Taguig City.

Nakilala ang suspek na si Teofilo Banares Jr. na isang driver.

Ayon sa pulisya, nag-aalok ng P1,000 si Banares para iboto si Primo Quinsio na tumatakbong barangay councilor.

Inireklamo ni Reynaldo Tumaca si Banares matapos siyang alukin ng suspek.

Nahaharap si Banares sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...