Bagaman maagang nag-abang at pumila para makaboto, kalbaryo pa rin ang inabot ng ilang mga botante sa Commonwealth Elementary School.
Si Meriane Garganta, alas-7:00 pa lang ng umaga naghahanap na ng prisinto na bobotohan nya.
Ang problema, sa dalawang oras na pag-iikot, ay hindi nya mahanap ang pangalan nya.
Ganito rin ang naging problema ni Aling Flordliza Aresnio.
Ang Commonwealth Elementary School ay isa lamang sa apat na paaralan na ginamit na polling precincts sa Baranggay at Sangguniang Kabataan elections.
Mayroon itong 109 clustered precints na nakarehistro ang 41, 833 na mga botante.
Sa mga kandidato, 5 dito ang baranggay chairman at 37 ang tumatakabong kagawad. Habang sa SK level naman, 5 ang tumatakbong Chairman chairman at 25 ang tumatakbong kagawad.
Kaya ang reklamo ng mga botante, paano mapapdali ang kanilang pagboto kung isang computer lang at walang tauhan ng COMELEC ang gumagabay sa kanila?
Aminado naman ang paaralan, na nagkaproblema sa botohan dahil sa kakulangan ng tao na mag-a-assist sa mga tao.
Kanila ring sinabi na nakipag-ugnayan sila sa Comelec pero tanging sa baranggay na lang nila ipinaubaya ang trabaho.