Payapa sa pangkalahatan ang pagbubukas ng botohan ngayong araw para sa Barangay at SK elections.
Ayon kay Commission on Elections Spokesperson James Jimenez, alas 9:00 ng umaga o dalawang oras makalipas ang pagbubukas ng mga polling centers, walang election problems na naitala sa Regions 1, 3, 4A, 4B, 6, 7, 8 at CAR.
Sa Samar, mayroong naitalang cell-related issues habang sa Region 6 at sa Central Luzon sinabi ni Jimenez na may mga vote-buying incidents din silang namonitor.
May ilang polling precincts naman sa Metro Manila ang late nakapagsimula ng botohan dahil nahuli sa pagdating ang mga election official.
Sa Muntinlupa City, mayroong isang presinto na hindi nakapag-umpisa ng alas 7:00 ng umaga ang eleksyon matapos ang insidente ng pagtataboy sa mga watcher ng kandidato na walang maipakitang mga ID.
Ani Jimenez, pawang isolated lamang ang naitalang mga insidente ngunit sa pangkalahatan ay maayos ang pagsisimula ng botohan.