Burol ni dating Senador Edgardo Angara, bubuksan sa publiko

Bubuksan na sa publiko ang burol ng pumanaw na dating senador na si Edgardo Angara.

Sisimulan mamayang alas-2:00 ng hapon ang public viewing sa mga labi ni Angara sa Heritage Park, Taguig City.

Inanusyo ni Senador Sonny Angara kahapon ang pagpanaw ng kanyang ama dahil sa atake sa puso sa edad na 83.

Bago namatay, si Edgardo Angara ay nagsilbing special envoy to the European Union sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...