75% voter turnout inaasahan ng Comelec

Commonwealth QC | Kuha ni Jong Manlapaz

Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na aabot sa 75% ang voter turnout sa Barangay at SK elections na magaganap ngayong araw.

Sa datos mula sa Comelec, mayroong 78,002,561 na rehistradong botante para sa barangay polls ngayong taon.

20,626,329 sa bilang na ito ay para sa Sangguniang Kabataan habang 57,376,232 ang sa baranggay level.

Dahil sa inaasahang init ng panahon, nag-abiso ang Comelec sa milyun-milyong Filipino na inaasahang bumoto na magdala ng tubig na inumin habang naghihintay na makaboto.

Nauna nang nakipag-ugnayan ang Comelec sa Department of Health para sa paglalatag ng health desks para sa mga medical concerns ng mga botante.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...