Alas 7:00 ng umaga nagbukas na ang mga polling precincts sa buong bansa para sa 2018 Barangay and SK elections.
Alas 6:30 pa lang ng umaga nakapila na ang mga botante sa kanilang polling centers para maagang bumoto.
Si NCRPO Chief Camilo Cascolan, maagang nagtungo sa Bagong Silang Elementary School sa North Caloocan.
Sa nasabing paaralan ay mayroong 98,000 na mga botante. Maliban sa nasabing eskwelahan ay mayroon pang 9 na polling precincts sa North Caloocan.
NCRPO Chief Camilo Cascolan made an early morning patrol at Bagong Silang Elementary School, North Caloocan City | @dzIQ990 @erwinaguilonINQpic.twitter.com/pNrCxNNbj8
— Inquirer Metro (@InqMetro) May 13, 2018
Samantala, maaga ring dumagsa ang mga botante sa Commonwealth Elementary School sa Quezon City.
Mga botante, dagsa na sa Commonwealth Elementary School I @dzIQ990 pic.twitter.com/8EKRg1UTiL
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) May 13, 2018
Gayundin sa San Lorenzo Village Covered Court sa Makati City.
Umaasa naman ang Comelec na magiging payapa sa pangkalahatan ang halalan.
Mayroong hanggang alas 3:00 ng hapon ang mga botante para makaboto.