COMELEC kinumpirma ang 20 kaso ng election-related violence

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na 20 na ang kanilang naitalang election-related violence (ERVIs).

Sa isinagawang pulong balitaan, sinabi ni COMELEC spokesperson James Jimenez na bagaman nasa 20 na ang naitalang ERVIs ay maituturing pa ring nasa ‘good’ ang overall level of peace and order.

Ito aniya ay dahil hindi nagpapatuloy ang paglobo ng naturang bilang.

Umaasa pa aniya ang COMELEC na manatili ang ganitong estado sa buong bansa sa pagsapit ng mismong araw ng halalan.

Ayon pa kay Jimenez, mayroong ilang mga lugar na humiling na maisailalim sa COMELEC control ngunit nagsasagawa pa sila ng evaluation bago ito tugunan.

Dagdag pa ng tagapagsalita, mayroon rin silang natatanggap na mga ulat tungkol sa vote-buying ngunit hindi pa aniya ito kumpirmado. Hindi kasi aniya sapat ang mga litrato at kailangan talaga ng mga saksi tungkol dito.

Read more...