Palasyo kinundena ang pagpaslang kay Ex-La Union Rep. Eufranio Eriguel

Mariing kinundena ng Palasyo ng Malacañang ang pamamaslang kay dating La Union Rep. Eufranio Eriguel.

Napatay ang dating kongresista matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa Agoo, La Union, Sabado ng gabi.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sisiguruhin ng Palasyo na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng dating mambabatas.

“We strongly denounce the killing of ex-La Union Rep. Eufranio Eriguel,” ayon kay Roque.

Kasalukuyan na anyang nangangalap ng ebidensya ang mga awtoridad.

“Investigators are now gathering evidence as we vow to bring justice to the slain congressman and his bereaved family,” dagdag ng kalihim.

Samantala, nanawagan naman si Roque sa publiko na siguruhin ang mapayapang halalan ngayong araw dahil wala anyang lugar ang ‘political violence’ sa lipunan.

Read more...