COMELEC nagpaalala sa mga posibleng tie-breaker sa halalan

Posibleng matalo ang mga tumatakbo sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa pamamagitan lamang ng barbecue stick.

Ito ang naging paalala ng Commission on Elections (COMELEC) sa bisperas ng halalan.

Paliwanag ni COMELEC spokesperson James Jimenez, ito ay dahil maaaring gamitin ang bunutan ng barbecue sticks bilang tie-breaker sakaling makatanggap ng patas na boto ang mga kandidato.

Paliwanag ni Jimenez, kung sino man ang makabunot ng mas mahabang barbecue stick ang siyang idedeklarang panalo sa halalan.

Ngunit aniya, pwede ring gumamit ng walis ting-ting para dito.

Matatandaang noong 2016 elections, nagkaroon ng deadlock ang dalawang tumatakbo bilang alkalde ng Bocaue, Bulacan, kung saan nagsagawa ng best-of-three coin toss sina Jim Valerio at ngayo’y mayor ng munisipalidad na si Joni Villanueva.

Aminado si Jimenez na bihira ang mga ganitong pangyayari at mahirap ito para sa matatalong kandidato, ngunit aniya, nakasaad ito sa polisiya ng COMELEC.

Read more...