Nagpahatid ng pakikiramay sa naiwang pamilya ni dating Senador Edgardo Angara ang mga kasalukuyang naninilbihan bilang senador ng Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ni Senador Joel Villanueva na lubos siyang nalulungkot dahil sa pagpanaw ni Angara.
Aniya, bilang anak na halos ang trato sa kanya ng dating senador na maituturing niyang pinakamaling inspirasyon at mentor sa kanyang pagsabak sa serbisyo publiko.
Inalala pa ni Villanueva na kabilang sa mga ‘landmark’ laws ni Angara ang para sa edukasyon, agrikultura, social welfare, at healthcare.
Ayon naman kay Senadora Loren Legarda, nawalan ng visionary at public servant ang Pilipinas dahil sa kanyang pagpanaw.
Inilarawn pa ni Legarda ang namayapang senador bilang isang ‘great man’ at isa sa ‘Philippine’s most brilliant minds.’
Samantala, nakiramay din si Senador Chiz Escudero sa pagkamatay ni Angara.
Aniya, isang magaling na abugado at patriot si Angara.