Magnitude 5.1 na lindol, yumanig sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Davao Occidental ganap na alas-11:33 ng gabi.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 3 kilometro, Kanluran ng bayan ng Sarangani.

May lalim na 165 kilometro ang pagyanig at tectonic ang dahilan.

Naitala ang Intensity II sa Davao City at General Santos City.

Habang naitala naman ang instrumental instensity III sa Alabel, Sarangani.

Hindi naman inaasahan ang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...