2 suspek, patay; gwardya, sugatan sa tangkang pagnanakaw

Patay ang dalawang hinihinalang magnanakaw habang sugatan ang isang gwardya sa tangkang panloloob sa isang public school sa Unisan, Quezon.

Ayon sa pulisya, nahuli ni Marlon Villapando Marino, gwardya ng Caigdal National High School Campus, ang tatlong magnanakaw sa loob ng paaralan dakong alas-9:30 kagabi.

Binaril ng mga suspek si Marino na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang tiyan. Sa kabila nito, nailarawan pa rin biktima sa mga pulis ang mga suspek.

Naglunsad ng hot pursuit operation ang pulisya. Nahuli nila ang mga ito at nauwi sa engkwentro ang pagtugis sa tatlong suspek.

Nakatakas ang isang suspek habang namatay ang dalawa.

Patuloy namang tinutugis ang tumakas na suspek.

Read more...