Mamamahayag patay sa pananambang sa Zamboanga del Sur

Patay ang isang local journalist matapos tambangan sa Labangan, Zamboanga del Sur, sabadao ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Carlos Matas, anchor ng Zambo News Patrol sa DXCA Bell FM at DXBZ Radyo Bagting na nakabase sa Pagadian City.

Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP), bigla na lamang pinagbabaril si Matas ng apat na armadong lalaki na sakay ng motorsiklo sa Barangay Nuburan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng bala ng kalibre 45 baril at M16 rifle.

Nabatid na noong Mayo 8 lamang, tinambangan na rin si Matas at maswerteng nakaligtas ito.

Sakay ng jeep ni Matas kasama ang dalawang empleyado ng Zambaoanga del Sur provincial government nang pagbabarilin ito ng mga suspek.

Ayon sa PNP, maaaring may kinalaman sa nalalapit na barangay election ang pananambang kay Matas.

Read more...