Case buildup laban sa 5 narco generals patuloy pa rin

Wala pang nakakalap na physical evidence ang Philippine National Police (PNP) laban sa limang narco generals na una nang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa ilegal na droga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PNP Spokesperson Chief Superintendent John Bulalacao, tuloy pa rin ang case build up laban kina dating Police Generals Marcelo Garbo Jr., Bernardo Diaz, Edgardo Tinio, Joel Pagdilao, at Vicente Loot na ngayon ay mayor ng Daanbantayan, Cebu.

Ayon kay Bulalacao, oras na makakuha na ang kanilang hanay ng physicial evidence gaya ng shabu o ilegal na droga ay agad nila itong aarestuhin at kakasuhan.

Bagamat wala nang hurisdiksyon ang PNP laban sa limang general dahil sa nagretiro na sa serbisyo, nanindigan si Bulalacao na may hurisdiksyon pa rin sila dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Samantala, dahil sa pananambang kay Loot, pinag-aaralan na rin ng kanilang hanay kung bibigyan ng bodyguard si Loot.

Read more...