Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Capt. Antonio Bulao, tagapagsalita ng joint task force Sulu, pinapa-validate na ang nasabing video na ini-upload sa youtube.
Ito ay upang matukoy kung Sulu nga ang lugar na kinaroroonan ng mga biktima at kanilang mga abductors.
Kabilang sa mga pag-aaralan ang bisinidad sa lumabas na video, at ang appearance ng walong armadong kalalakihan na nakapalibot sa mga biktima.
Sa nasabing video, nanawagan ang tatlong dayuhan sa gobyerno ng Pilipinas at kani-kanilang gobyerno na sila ay tulungan.
Hinihiling din nilang ihinto ang mga operayson laban sa mga abductors para maumpisahan ang negosasyon.
Ayon naman kay Capt. Roy Trinidad ng Task Force Zambasulta, hindi maitatanggi na ang mga lumabas sa video ay ‘very similar’ sa mukha ng tatlong dayuhan at isang pinay na dinukot sa Samal Island.
Ang mga acductors naman na nakapalibot sa kanila ay hindi nalalayo sa grupong Abu Sayyaf partikular ang kanilang mga hawak na armas.
Sinabi ni Trinidad na dadaan sa matinding pagsusuri ang video. Sa kabila ng paglabas ng nasabing video, ayon kay Trinindad, ay hindi pa nila tukoy kung saan ang lokasyon na pinagkuhanan nito.