Flight engineer ng pamilya Bin Laden at isang misyonaryo, nais maging pangulo

EDITEDBago pa man magbukas ang Commission on Elections para sa ikatlong araw ng filing ng certificate of candidacy, maaga nang dumating ang mga ordinaryong mamamayan na nais maghain ng kanilang COC sa pagka-pangulo.

Ang flight engineer na si Isidro Ursua, 74 anyos, sinabing siya ay nagtrabaho ng matagal sa Bin Laden Aviation na pag-aari ng pamilya Bin Laden. “Ako po ay dating flight engineer ng Bin Laden family, I worked for them for about 4 years, 5 years, 23 years po akong nagtrabaho sa labas ng Pilipinas, 1986 umalis ako sa Bin Laden family,” ayon kay Ursua.

Sinabi ni Ursua na innovation at invention ang sagot sa para sa pag-unlad ng bansa. Tinawag din nitong insensitive ang gobyerno ng Pilipinas.

Samantala, si Gauvencio Serrano, 61 anyos at nagpakilalang mula sa grupong Bigkis Rizalista, ay nais ding tumakbong pangulo ng bansa. Dumating si Serrano sa Comelec na nakasuot ng tinawag niyang ‘maharlikang kasuotan’.

Kasama ni Serrano ang kaniyang running mate na si Neil Aldea nan aka-amerikana naman.

Ang ikatlong naghain ng COC sa pagka-pangulo ngayong umaga au Engr. Juanita Mendoza Trocenio.
Kasama ni Trocenio ang mga supporters na Muslim mula sa Manila Muslim Leaders For Economic Development Associationna pawang nakasuot ng pulang damit.

Running mate ni Trocenio si Atty. Jess Paredes na dati ng tumakbong senador noon sa ilalim ng Ang Kapatiran.

Read more...