2 patay, 3 sugatan matapos magkabanggaan ang truck at van sa NLEX

Inquirer file photo

Patay ang dalawa katao habang sugatan naman ang tatlong iba pa matapos ang vehicular accident sa North Luzon Expressway (NLEX), Linggo ng umaga.

Batay sa ulat, naganap ang aksidenteng kinasangkutan ng isang 14-wheeler truck at UV Express sa NLEX-Valenzuela Exit, southbound bahagi ng Lawang Bato, bandang 5:00 ng umaga.

Agad itinakbo ang limang pasahero ng van sa Valenzuela General Hospital ngunit ang dalawa dito ay idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy namang ginagamot ang tatlo pang sugatan kasama ang drayber ng van.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Valenzuela police ang drayber ng truck habang inaalam ang pinagmulan ng aksidente.

Agad naman ding naialis ang truck at van sa pinangyarihan ng aksidente kung kaya’t hindi nagdulot ng pagsisikip ng trapiko.

Read more...