Davao Occidental, niyanig ng lindol

Credit: Phivolcs

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang Davao Occidental, Linggo ng umaga.

Batay sa impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 245 kilometers South ng bayan ng Sarangani dakong 6:07 ng umaga.

May lalim ang lindol na 45 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...