Malaking bahagi ng bansa, makararanas ng mainit na panahon ngayong araw

Walang sama ng panahon o low pressure area (LPA) na namamataan ang Pagasa na makakaapekto sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa kasalukuyan.

Ayon sa weather bureau, sa ngayon ay patuloy ang pag-iral ng easterlies na magdadala ng mainit at maalinsangang panahon sa bansa.

Sa Samar, inaasahan ang maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kasama na ang Metro Manila ay posible lamang ang mga pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.

Inaasahang aabot sa 36 degrees Celsius ang temperature sa Tuguegarao City habang 34 degrees Celsius naman ang inaasahang peak temperature sa Metro Manila.

Read more...