Presyo ng mga produktong petrolyo, tataas sa Martes

Bad news ang sasalubong sa mga motorista isang araw matapos ang Barangay at SK elections.

Ito ay bunsod ng nakaambang pagpapatupad ng mga oil companies ng dagdag-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, May 15.

Inaasahang maglalaro sa P0.95 hanggang P1.05 kada litro ang itataas sa presyo ng diesel at gasolina.

Habang nasa P0.80 hanggang 0.90 ang dagdag sa kerosene o gaas.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagpatupad na kakarampot na rollback sa oil products ang mga kumpanya ng langis.

Read more...