Ex-Pang. Aquino, bibigyan ng police security sa pagboto sa Tarlac

Inquirer file photo

Kahit hindi niya hingin, bibigyan si dating Pangulong Noynoy Aquino ng police security kapag bumoto sa Lunes, May 14 para sa Barangay At Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Sr. Supt. Ritchie Medardo Posadas, Tarlac Provincial Police Director, nakausap niya ang hepe ng Tarlac City Police at nabatid na laging bumubuto si Aquino kaya bibigyan nila ito ng seguridad.

Samantala, 1,620 na mga pulis ang itatalaga para magbantay sa 480 polling centers na bubuksan ng alas 7:00 ng umaga at magsasara ng alas 3:00 ng hapon.

Nasa 800,000 ang inaasahang boboto sa lalawigan ng Tarlac.

Inaasahan ni Posadas na magiging payapa ang halalan sa lugar kahit 13 na barangay ang nasa election watchlist.

Read more...