Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na magiging malakas ang presenya ng mga pulis para sa araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, nabigyan na direktiba ang mga pulis sa ipapatupad na seguridad sa mga polling precinct.
Siniguro nito na magiging ligtas ang lahat ng polling precincts mula sa pagkuha ng materyales at pagbubukas ng 7:00 ng umaga sa mismong araw ng halalan.
Aniya pa, magiging kontrolado ng civilian board of election tellers ang mga presinto.
Samantala, hinikayat ni Jimenez ang mga botante na mas maiging ilista na ang mga ibobotong kandidato bago pumunta sa mga presinto.
Maaari naman aniyang dumulog ang sinumang may reklamo sa pamamagitan ng 8888 hotline.
MOST READ
LATEST STORIES