CPNP Albayalde, nagsagawa ng inspeksyon sa mga police station sa Mindanao

Inquirer file photo

Nagsagawa ng inspeksyon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde sa ilang police stations sa Mindanao para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Siniyasat ni Albayalde ang mga nakahandang armas at security plans ng mga police headquarter para sa nalalapit na eleksyon.

Aabot sa 5,744 ang napabilang sa poll hotspots ng PNP at Comelec, 295 sa mga ito ay nasa Mindanao region kung saan may political rivalries o presensya ng mga armadong grupo.

Ayon sa PNP chief, nais niyang matiyak na handa at masusunod ang itinakdang deployment sa araw ng halalan.

Dagdag pa nito, ang maganda at matibay na relasyon ng pulis at publiko ang makapagpapanatili ng kapayapaan sa mga komunidad pagkatapos ng May 14 polls.

Aabot sa 160,000 police ang ipakakalat sa buong bansa para sa araw ng halalan.

Read more...