Umaasa ang Hawaii tourism officials na tuloy pa rin ang pagbisita ng mga turista sa naturang bansa.
Ito ay bunsod ng pagpapatuloy ng pag-aalburoto ng Kilauea volcano.
Ayon sa Travel industry executives, walang banta ang malaking bahagi ng Big Island mula mula sa naturang bulkan.
Hanggang ngayon kasi, patuloy pa rin ang pagbuga ng lava ng bulkan kung saan naaapektuhan ang mga residente malapit dito.
Ayon kay Hawaii Tourism CEO, George Szigeti, tinututukan pa rin ang Kilauea volcano at hindi naman apektado ang Big Island.
MOST READ
LATEST STORIES