Pagtanggal kay Sereno, pwedeng mitsa ng constitutional crisis – SP Pimentel

Inquirer file photo

Nagbalala si Senate President Koko Pimentel na magreresulta sa constitutional crisis ang pagpapatalsik ng Korte Suprema kay Maria Lourdes Sereno bilang chief justice.

Ayon kay Pimentel, mangyayari ang krisis sa konstitusyon kung ipapawalang bisa ng Kamara ang pagtanggal ng Supreme Court kay Sereno.

Paliwanag ng senador, sa tingin ng Korte Suprema, tanggal na si Sereno pero para sa Kongreso ay hindi pa siya naaalis kaya mayroong problema sa totoong status nito.

Pero kung sa tingin ng House of Representatives ay wala na silang kailangang i-impeach kasi tanggal na ang punong mahistrado ay wala naman aniyang constitutional crisis.

Dagdag ni Pimentel, hindi naman pwedeng diktahan ng Senado o anumang sangay ng gobyerno ang Kamara sa kapalaran ni Sereno.

Una nang hinimok ng pinuno ng Senado ang Korte Suprema na i-review ang desisyon na pagpapatalsik kay Sereno at bigyan ito ng pagkakataon na maghain ng motion for reconsideration.

Read more...