Magkakapatid na opisyal ng Pasuquin Ilocos Norte, nahaharap sa kasong illegal possession of firearms

Nahaharap sa kasong illegal gun possession ang kasalukuyang Mayor, Vice Mayor at dating Mayor ng bayan ng Pasuquin sa Ilocos Norte.

Ito ay kasunod ng raid sa kanilang mga bahay, Sabado ng umaga.

Sa bisa ng search warrant ay natagpuan ng otoridad ang mga armas sa mga bahay nina Mayor Ferdinand Aguinaldo, Vice Mayor Pedro Rex Aguinaldo at dating Mayor Peter Felix Aguinaldo.

Ayon sa kasalukuyang Alkalde, regalo ang mga nakitang mga baril pero wala na itong ibinigay na ibang detalye.

Ayon kay Ilocos Norte Police Director Sr. Supt. Cesar Pasiwen, ang raid ay kasunod ng report na ang magkakapatid na opisyal ay nagtatago umano ng mga baril.

Sinabihan anya ang tatlo na isuko ang kanilang mga baril pero hindi sila sumunod.

Patuloy ang inventory sa mga armas at bala na nakuha mula sa magkakapatid na Aguinaldo.

Read more...