Babae, arestado dahil sa paghabol at pagpapadala ng 65,000 text messages sa isang lalaki sa Arizona

Photo Credit: Paradise Valley Police Department

Arestado ang isang babae matapos ilang beses habulin at magpadala ng 65,000 text messages sa isang lalaki sa Phoenix, Arizona.

Ayon sa Paradise Valley Police Department, mahaharap sa kaso ang suspek na si Jacqueline Ades, 31-anyos, dahil sa pagharass, pag-stalk at pagbabanta sa buhay ng lalaki, at bigong pagharap sa korte.

Batay sa ulat, nagkakilala si Ades at ang hindi pinangalanang lalaki gamit ang internet at nag-date.

Nagsimulang magpadala ng text messages ang suspek matapos sabihan ng lalaki na huwag na siyang kausapin.

Maliban sa pagpapadala ng text messages, nagawa ring pumunta ni Ades sa bahay at pinapasukang opisina ng lalaki at pinagbantaang patayin ito.

Nakatakda namang humarap ang suspek sa korte sa June 15.

Read more...