Dating pulis-Maynila, patay sa ambush

Inquirer file photo

Nasawi ang isang dating pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) matapos itong tambangan ng dalawang lalaki at isang babaeng suspects na sakay ng motorsiklo sa Sampaloc, Manila.

Kinilala ng mga imbestigador ng MPD ang biktima na si James Rivera, dating pulis nan aka-assign sa Tondo Police Station.

Binaril si Rivera malapit sa bahay nito sa R. Cristobal Street sa Barangay 475.

Dumating sa crime scene ang mga pulis mula sa España at Sibarma Police Community Precincts ilang minuto matapos ang ambush pero nakatakas na ang mga suspects.

Sinusuri ng mga pulis ang mga kuha ng CCTV sa lugar para makilala ang mga suspects.

Read more...