25 election-related incidents, naitala ng PNP tatlong araw bago ng May 14 elections

Inquirer file photo

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 20 hinihinala at limang balidong election-related incidents, tatlong araw bago ng Barangay at Sangguninang Kabataan elections.

Ayon kay PNP spokesperson CSupt. John Bulalacao, as of 6:00 Biyernes ng gabi, naitala ang 25 insidente kung saan 23 dito ay gun attacks at tatlong kaso ng kidnapping.

Sa naturang bilang, 27 katao ang namatay, anim ang sugatan at lima ang hindi naman nasaktan.

Dagdag pa nito, tatlo ang naaresto sa 86 nahuling suspek.

Naitala ang pinakamaraming bilang ng mga election-related incidents sa Region 3 at 12, tatlo sa ARMM habang tig-dalawa naman sa Region 4A at 7.

Sinabi naman ng PNP na ang naturang bilang ay nananatiling mababa kumpara sa naitalang record noong 2013 elections.

Read more...