Hinimok ng National Youth Commission (NYC) ang mga kandidato sa Sangguniang Kabataan na huwag lang puro pa liga at beauty contest ang gawing proyekto sakaling manalo.
Pagigiit ni NYC Officer-In-Charge (OIC) Ronald Cardena, dapat nang matuldukan ang traditional SK at dapat ay maging reformed na ito.
Paliwanag niya, dapat maging aktibo ang SK sa pagtulong sa local goverment unit at huwag magpa-petiks petiks lang.
Ani Cardena, dapat magkaroon ng programa ang mga SK sa disaster response nang sa gayon kapag nagkaroon ng kalamidad kagaya ng baha, lindol at sunog ay makakatulong sila.
Dagdag pa niya, dapat din lumahok sa anti-drug campaign ang mga kabataan at maging mapagbantay sa peace and order sa mga komunidad.
Samantala, sinabi rin Cardena na para mas maging epektibo ang mga SK, agad silang isasailalim sa leadership training bago umupo sa pwesto sakaling maluklok sa pwesto.