Isa patay, isa arestado sa buy-bust ops sa Bulacan

Patay ang isang lalaki na nasa drug watchlist matapos umanong manlaban buy-bust operation na ikinasa ng Bulacan Police.

Nakilala ang nasawi na si Ranillo Padilla habang naaresto naman kasamahan nito na si Angelyn Alaala.

Ayon kay Senior Supt. Chito Bersaluna, Provincial Director ng Bulacan, 8:00 ng umaga nang nagkasa ng operasyon ang Bulacan Intelligence branch laban kay Padilla sa Barangay Batia, Bocaue.

Isang tauhan nila ang nagpanggap ng buyer ng ilegal na droga at nang magkaabutan na ng pera ay nakatunog ang suspek, bumunot ng baril at nanlaban.

Hindi naman tinamaan ng bala ang pulis at gumanti ng putok na naging dahilan sa pagkakasawi ng suspek.

Nakuha mula sa suspek ang walong pakete ng hinihinalang shabu at kalibre 38 na baril.

Read more...