Campaign period para sa Barangay at SK elections, magtatapos na ngayong araw

INQUIRER photo

Ngayon na ang huling araw ng kampanya para sa May 14 at Barangay at SK elections.

Dahil dito, muling nagpaalala ang Comission on Elections (COMELEC) na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya ng mga kandidato bukas, lalung-lalo na sa Lunes.

Ngayong araw na rin magtatapos ang pagsasanay sa mga Electoral Board members.

Samantala, pagpatak ng alas-12 ng madaling araw ng linggo ay ipatutupad na ang liquor ban.

Dahil dito ay walang kahit sinong papayagan na magbenta o bumili ng mga alcoholic beverages maliban sa mga establisyimentong may exemption mula sa Comelec.

Una nang nagpahayag na ang Comelec ng kahandaan para sa halalan sa Lunes.

Iginiit ng Comelec na handa na ang Command Center na bantayan ang halalan hanggang sa May 17.

Read more...