Una nang iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS na magnitude 5.5 ang lindol ngunit ibinaba ito sa magnitude 5.4.
Naganap ang lindol alas 4:46 ng umaga at tumama sa may Silangang Bahagi ng Malita ng naturang probinsya.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na nasa 100 kilometro lalim.
Naramdaman ang instrumental intensity 3 sa Alabel, Saranggani at General Santos City. Habang intensity 2 sa Davao City.
Wala naman naitalang malaking pinsala ang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES