Ayon kay Parreno, nalilito ang mga botante sa pagkakaroon ng dalawang balota lalo na ang mga edad 18-30 rehistradong botante.
Aniya ang mga ito kasi ay dalawang balota ang dapat nilang sulatan, isa para sa iboboto nilang barangay officials at ang isa namam ay para sa mga nais nilang SK candidates.
Sinabi ni Parreno na napansin nila ang pagkalito sa mga isinagawa nilang mock elections.
Paalala pa nito, ang maling pagsulat ng mga mapipili nilang kandidato sa balota ay hind mabibilang na boto.
Kayat aniya dapat ay suriin mabuti ng mga botante na tama ang sinusulatan nilang balota.