Ito ay matapos mapirmahan ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait na magbibigay ng dagdag proteksyon sa mga OFW sa nasabing Gulf country.
Sa kanyang talumpati sa Marawi City, sinabi ng Pangulo na papayag siyang tanggalin ang ban ngayong napirmahan na ang kasunduan na kanyang kundisyon para payagan na uli ang mga Pinoy na magtrabaho sa Kuwait.
Dahil nasunod na anya ang kanyang kundisyon at mayroong probisyon gaya ng wala ng pag-abuso at mayroong special police para lang sa Pinoy na inabuso, bukas na ang Pangulo na i-lift ang ban.
Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng pagpirma sa Memorandum of Understanding na “Agreement on the Employment of Domestic Workers between the Philippines and Kuwait.”