Hanggang noong December 31, 2017, ang kabuuang asset ng Pangulo, kung babawasan ng kabuuang liabilities, ay nasa P28,540,321.07.
Ito ay 4% na mataas kumpara sa kabuuang net worth ni Duterte na P27,428,862.22 ng nakaraang taon.
Inihain ng Pangulo ang kanyang SALN sa Office of the Ombudsman apat na araw bago ang April 30 deadline alinsunod sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Inilista ng Pangulo ang siyam na real properties sa Davao City na may kabuuang halaga na P1,405,000.00 at personal properties na nakapangalan sa kanya.
Kabilang naman sa personal possessions ng Pangulo ang mga alahas (P300,000), investments (P2,500,00) at ibang personal properties (P1,500,000).
Nakasaad din sa SALN ng Pangulo ang tatlong residential lands sa Davao City na nagkakahalaga ng P3,080,000 sa ilalim ng 13 anyos na anak nitong si Veronica. May note ang properties na nabili ang mga ito sa eksklusibong pondo ng ina ng dalagita na si Cielito Avanceña.
Ang pagtaas ng net worth ni Duterte ay galing sa kanyang cash na hawak at nasa bangko na P19,365,321.07 na nadagdagan ng mahigit P911,000 gayundin ang nabawasan nitong liability na personal na utang sa negosyanteng si Samuel Uy.