Ito ay matapos na mapatalsik siya sa puwesto ng mga kapwa mahistrado sa botong 8-6 sa isang special en banc session.
Bunga nito, sinabi ni Sereno na kung pagbibigyan ng pagkakataon ay mangangaral siya sa buong bansa ukol sa hustisya.
Aniya igigiit niya ang pakikipaglaban para sa hustisya at sesentro ang kanyang pagsasalita sa tanong na ano ang hustisya at ang kakulangan nito sa bansa.
Iginiit niya na hihimukin niya ang lahat na nangangailangan ng hustisya na magsalita at ibahagi ang kanilang karanasan sa paghahanap nila ng katarungan.
Pagdidiin nito hindi dapat ang ang mga pulitiko ang nagdidikta sa mga dapat mangyari kundi ang dapat na umiiral ay ang batas.