Sa isang statement, inihalintulad ni Aquino sa mangga ang sitwasyon. Aniya, kung nais ng matamis na mangga ay kailangang maghintay na mahinog ito.
Pero kung pipiliting mahinog ay magiging maasim ang kalalabasan.
Paalala ni Aquino na makailang beses na binanggit ng Korte Suprema na kung batas ay malinaw, hindi na kailangan ng paliwanag pa.
Klaro aniya sa Saligang Batas na ang impeachable officer ay mapapatalik sa pamamagitan ng impeachment. Sa kanyang pananaw, ani Aquino, na kung anuman ang paliwanag ng mayorya ay makikitang pilit na pilit ang pasya ng Kataas taasang Hukuman.
Si dating Pangulong Aquino ang nagtalaga kay Sereno bilang punong mahistrado ng Supreme Court. /