2 katao, natagpuang patay sa One Burgundy Plaza sa Katipunan, Quezon City

Dalawang lalaki ang natagpuang patay sa One Burgundy Plaza sa Katipunan, Quezon City.

Ito ay kaugnay sa management issues sa naturang property. Wala pang pagkakakilanlan ang dalawang lalaki, pero sa inisyal na na impormasyon, sila ay gwardya ng Detect-Net.

Ang isa ay nakahandusay sa lower 3rd floor, habang ang isa ay nasa upper 3rd floor. Batay sa ulat, ang dating developer ng One Burgundy Plaza na si Rogelio Serafica ay may dalang mga security guards na pawang armado kahapon pa.

Pwersahang pumasok ang mga ito sa admin office at pinagsisira ang CCTVs at computers. Si Serafica ay napatalsik na sa pamumuno sa building sa election noong April 5, at nanalo ang homeowners.

Napilitan na magpa-eleksyon ang homeowners dahil may P85M ng dues na hindi naibabayad sa city hall. May court order nang inisyu na pumapanig sa homeowners na sila na ang dapat mangasiwa sa building.

Gayunman, nagkatensyon pa rin mula pa kahapon, kaya naman takot na takot ang mga residente.

Read more...