WATCH: Lalaki patay sa buy bust operation sa Malolos, Bulacan

Patay ang isang drug suspek matapos manlaban sa mga pulis sa buy bust operation sa Barangay Santor sa lungsod ng Malolos, Bulacan.

Bandang ala-1:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang Malolos City Police Station laban kay Dennis Pagar.

Nagtangkang tumakas si Pagar at pinaputukan pa ang mga otoridad dahilan para magpaputok rin ang mga otoridad, na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Narito ang report ni Justinne Punsalang.

 

 

Read more...