Desisyon ng SC vs. Sereno: pagyurak sa Saligang Batas – VP Robredo

Lubos na ikinadismaya ni Vice President Leni Robredo ang pagpapatalsik ng Korte Suprema kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Robredo na tahasang pagyurak sa kasagraduhan ng institusyon at ng Saligang Batas ang pasya ng mayorya ng mga mahistrado na paburan ang Quo Warranto petition laban ng Sereno.

Giit ni Robredo, nakasaad sa Konstitusyon na tanging ang impeachment lamang ang paraan upang tanggalin sa pwesto ang isang impeachanle officer gaya ng punong mahistrado.

Kaya bunsod nito’y nakakabahala ang pasya ang Supreme Court, at nakompromiso ang pinaka-pundasyon ng hudikatura.

Kanino aniya tatakbo ang mga Pilipino para sa patas na laban at katurangan, kung ang Korte Suprema ay nadungisan.

Sa kabila nito, umapela si Robredo sa lahat na magkaisa at patuloy na bantayan ang mga susunod na pangyayari, at magkaisa para maipagtanggol ang hudikatura, Saligang Batas at demokrasya sa bansa.

Pagtitiyak pa ni Robredo na tuloy ang laban lalo’t naging malapit o dikit ang botohan, sa isang napakalaki at makasaysayang desisyon ang inilabas ng Korte Suprema.

Read more...