Sereno sa quo warranto decision: Dapat nag-inhibit ang 6 na mahistrado

Naniniwala ang pinatalsik na chief justice na si Maria Lourdes Sereno na dapat na nagwagi ang mga kumontra sa quo warranto petition laban sa kanya.

Sa talumpati ni Sereno sa labas ng Korte Suprema matapos pagbotohan ang quo warranto, sinabi niya na sa walong bumoto sa pagpapatalsik sa kanya, dalawa lang dapat na bumoto dahil dapat na nag-inhibit sa petisyon. Aniya, kung tutuusin, dapat na nanalo siya kontra sa quo warranto.

Maliban dito, ipinahayag ni Sereno na ang pagpabor ng anim na mahistado na manatili siya sa pwesto ay nangangahulugang dapat siyang manatiling punong mahistrado at tama aniya ang kanyang paninindigan.

Pimasalamatan naman ng pinatalsik na punong mahistrado ang kanyang mga tagasuporta.

Dagdag ni Sereno, hindi pa tapos ang kanyang laban at nagsisimula pa lamang ito.

Sa 14 na mahistrado ng Korte Suprema, walo ang pumabor sa quo warranto petition habang anim ang kumontra.

 

Read more...