Aplikasyon at nominasyon para sa punong mahistrado, pinasisimulan na sa JBC

INQUIRER FILE

Inanunsyo ng Korte Suprema na bakante ang posisyon ng punong mahistrado matapos pawalng bisa ang appointment ni Maria Lordes Sereno.

Inatasan ng mga mahistrado ang Judicial and Bar Council na simulan na ang aplikasyon at nominasyon para sa punong mahistrado.

Sa botong 8-6, pinatalsik ng Korte Suprema si Sereno matapos paboran ang quo warranto petition.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa na pinatalsik ang punong mahistrado sa pamamagitan ng quo warranto petition.

 

Read more...